Ang isang nagustuhan ko sa movie na ito ay may role lahat ang mga artista sa movie, walang itatapon. Meaning ung mga supporting stars – importante at may purpose ang pagkakasali sa movie. Ung role ni Cai Cortez as a reporter – check yun. Yung role nina Tuesday Vargas at ‘Kaladkaren Davila as hosts of a TV show covering the search for Jessy – check yun. Yung role ng tatlong friends ni Jessy – check din yun. In other words, walang sinayang na artista sa nasabing film.
Nagustuhan ko din ung transition ng story, hindi magulo. As a viewer, I was guided slowly kung paano nakarating si Jessy sa hotel kasama si Jericho. Unti-unti ang pagbabalik tanaw ng situation and at the same time ipinapakita din kung anong nangyayari sa kasalukuyan. So hindi ka maliligaw o hindi ka malilito kung anong nangyayari sa movie. Realistic din ang mga pangyayari – walang arte.
Check lahat ng scenes except one – ang pagsali ni Luis Manzano sa movie. With all due respect to Luis, unnecessary ang pagsali sa kanya sa movie. Halatang inilagay lang siya sa movie to add a little humor dahil boyfriend siya ni Jessy in real life. Sorry pero hindi ako natawa sa pagsali ni Luis sa scene na kung saan nag-gate crash sina Jericho at Jessy na isang wedding reception. Luis can do better and can do a lot more as an actor.
But overall, I like the movie. It’s a good and entertaining movie. No dull moment ika nga. And again, lalabas ka ng sinehan na ang sasabihin mo – “OK yung movie, for a change, kakaiba at ang ganda talaga ni Jessy Mendiola.”
I won’t be surprised kung makakakuha ng awards ang pelikulang ito.
(Reviewed by: Gerald Imho)
(Photo source: Instagram – @itsmarinabsilva_)
You must be logged in to post a comment Login