Businesswoman Neri Miranda expressed her excitement over her gift to herself – a glass house. According to Neri, it has been her long time dream to have one and she said she is serious in having this done the soonest time possible.
Neri added that this dream of hers is not only for herself but for her family as well.
Neri gave a glimpse of her glass house with the following message:
“Neri’s She Shed/Studio -The Glass House, soon! Gift ko na sa sarili ko, ilang birthdays at Pasko rin na di ko binilihan ang sarili ko ng kung ano ano. Para rin naman sa pamilya at trabaho ko ‘to, kaya pussssh ko na ‘to this year! ๐ค May mga nakapending na trabaho na kailangan ko nang i-shoot after kong manganak. Di na kaya kase this month. ๐ Palakas lang ako, then trabaho agad, hihi!
Finally! Matutuloy na ang dream project ko sa bahay. Dahil need ko talaga ng mini studio para sa mga shoot ko/namin para sa mga brands na nagtitiwala sa pamilya Miranda at hindi na sa mismong loob ng bahay o lilipat pa kami sa @mirandasresthouse para sa mga shoots.
Naudlot kase pandemic at kailangan pag ipunan pa yung pagpapagawa, hehe! Kulang budget eh. One at a time lang mga projects para di magpatong patong ang bayarin at matapos agad.
Syempre habang bawal pa mag invite ng mga bisita, kami kami muna magluto lutuan sa Glass House. Magpadagdag ako ng oven. Masarap magbreakfast, brunch, lunch, merienda, at dinner dito. Para kang kumain sa labas, hehe! Kase sa garden itatayo ang Glass House. Padagdag lang din ako ng mudroom dahil why not? Haha! Peg ko si Martha Stewart eh, panindigan na. ๐ Aayusin din yung garden, minimalist lang para low maintenance at may place ang mga dogs.
Thank you @grupo.santamaria sa pagbuhay ng mga dream projects ko, hihi! Napapadali nyo yung trabaho ko talaga. Excited na akong makita ang outcome at makapag shoot na very very soon!
Next project ko naman laundry area na andun na lahat. Gusto ko very organized at complete na. Maayos na sampayan, drawers, malaking sink for handwash, plantsahan, organizers, etc. Yung pwede kang tumambay sa laundry area. Malinis, maaliwalas, at mabango. Pag ipunan muna, hehe!”
(Photo source: Instagram – @mrsnerimiranda)
You must be logged in to post a comment Login