Connect
To Top

Netizens pinansin ang ‘puson’ ni Barbie Imperial

Dumalo si Barbie Imperial sa ‘Puro Magic 2019’ event na ginanap sa Marquis Events Place. Suot ni Barbie ang isang silver off-shoulder na gown na lalong nagpatingkad sa kanyang kagandahan. Nguni’t may ilang netizens ang nakapansin na tila malaki daw ang kanyang ‘puson’ na halata daw sa kanyang suot na gown.

Tinawanan na lamang ni Barbie ang mga puna sa kanya at kanyang ipinaliwanag kung bakit tila nga malaki ang kanyang puson:

“Laki daw ng puson ko kagabi sa blue carpet. Alam ko, kumain ako ng big mac at bff fries on the way sa party eh sarap kaya! ay, may coke float pa pala.”

(Photo source: Instagram – @msbarbieimperial)

You must be logged in to post a comment Login

More in News