Connect
To Top

Nora Aunor on elusive National Artist award: “Hindi ako ang binastos nila kungdi ang mga Noranians”

Superstar Nora Aunor has released her statement regarding the elusive National Artist Award after she has not been included on the list of this year’s awardees.

In her official statement, Nora thanked all the Noranians who are still supporting her and asked them to forget about the said award as even her personal life has been placed under scrutiny.

==========

Related Stories:

Lotlot and Matet De Leon respond to netizen accusing them of not giving back to Nora Aunor

Nora Aunor signs contract with GMA for upcoming series

LOOK: Onay meets Victor Magtanggol

==========

Here is her full statement:

“Ako po ay nagpapasalamat sa lahat ng mga NORANIANS at kaibigang nagtitiwala sa aking kakayahan at kontribusyon sa sining at kultura.

“Hindi ko po ito hinahangad at dahil talaga namang wala ang isang hamak na Nora Aunor kung wala po ang mga NORANIANS at ang mga kasamahan ko sa industriyang musika, entablado at pelikulang Filipino noon at ngayon na maraming magagaling at matatalinong taong humubog sa aking talento.

“Sapat na po ang respetong natatanggap ko sa mga kasamahan ko sa trabaho. Kung gagamitin lang naman ang National Artist para pagpyestahan at hamakin ang mga personal kong pagpupunyagi sa buhay – ako na ang nakikiusap na itigil na po natin ang lahat nang ito Ano ba naman ang isang award kung kapalit naman nito’y ang paulit-ulit na paghamak sa pagkatao ko at sa mga taong naniniwala sa akin? Mas makabubuti pong ipagpatuloy na lang natin ang paglikha ng makabuluhang pelikula at mga awit na magsisilbing inspirasyon sa ating mga Filipino. Mas matutulungan natin ang mga bagong filmmakers at mga bagong mang aawit kasama ang mga beteranong aktor at aktres, mga direktor, mga manunulat na mapagbuti ang kanilang sining.

CONTINUE READING…

Pages: 1 2

You must be logged in to post a comment Login

More in News