Talent manager and comedian Ogie Diaz addressed those who are calling him ‘dilawan.’ According to Tagalog.com, dilawan “originally is a term used to describe the supporters of the Liberal Party that used yellow as its color symbol. At present, the Duterte administration and allies use it derogatorily toward anyone who expresses dissent towards them.”
On Facebook, Ogie posted the following:
“Sa mga bashers na dini-dm at tsina-chat pa ako para murahin lang ako, wala kayong mahihitang reaksyon sa akin kundi BLOCK agad.
Du’n sa mga nag-i-insist na Dilawan ako at mag-a-unsubscribe daw sa youtube channel ko at mag-a-unfollow pa sa facebook ko, wag na kayo magpaalam, gawin nyo na lang.
Kasi pag nagsasabi pa kayo, inuunahan ko na kayo ng BLOCK para gumanda na ang araw nyo at hindi na ako ang maging sanhi ng hypertension ninyo.
Du’n naman sa mga commenters sa mga online news na inookray ako pag me naba-viral na post ko, okay lang yon.
Pero sana naman pag magtataray, tama ang mga spelling at grammar para naman maiparamdam nyo kahit konti sa mga makakabasa ng comments nyo na may natutunan kayo sa English at Filipino teachers nyo.
Du’n sa vlogger na ubo nang ubo pag nagla-live sa youtube, pa-check up ka na, teh. Baka kung ano na yan. I-prioritize mo yang ubo mo. Di bale sana kung gumiginhawa ang pakiramdam mo pag ginagamit mo ako.
Pero wa echos. Okay lang na okrayin mo na ako nang okrayin para tumaas naman ang subscribers mo. At least, nakatulong ako sa yo. 😂
Ay, oo nga pala. Kaya panay ang bira kasi a-kinse na pala. Hahanapan na naman sila ng “paninira post” ni Bossing bago makasweldo.”
(Photo source: Facebook – @ogie.diaz.5)
You must be logged in to post a comment Login