Talent manager and broadcaster expresses his opinion with regards to the response made by the government in the light of Typhoon Ulysses that left thousands homeless. Due to heavy rains, flood water reached as high as 3rd floor prompting people to take refuge at their rooftop.
On his Facebook account, Ogie posted the following:
“Sawa na tayo sa kwentong barbero. Tama na yan, huhuhu. Baka pwedeng kilos-kilos naman. Kung di na kaya ng katawan at isip, ipasa na sa may kakayahan.
Di na ito joke lang, kaya sana, sumeryoso na ang mga nakaupo. Susunod naman siguro ang karamihan kung tama ang advise, kung may punto at may direksyon.
At kung totoong nagbibigay ng pag-asa at nagpapalakas ng loob ng mga kababayan nating biktima ng kalamidad.
Juice ko po, sobra-sobra nang pagsubok itong dumarating sa atin, dagdagan pa ng pag-challenge sa atin ng ibang incompetent na nakaupo.
Naniniwala akong kaya naman kung nasa puso ang pagtulong at pakikiramay na sana ay nararamdaman ang presensya at malasakit.
Kaya madalas kong marinig, “Tayo-tayo na lang talaga ito. Wag na tayong umasa pa sa ibang tao na dapat sana ay nakakapitan natin.”
Sa totoo lang, nakakaawang makita ang mga kababayan nating helpless at mga NGO at mga pribadong indibidwal pa ang gumagawa ng effort para tumulong. Kasama ang ibang LGUs na masigasig ding ginagampanan ang kanilang tungkulin.
Nakakalungkot nang sobra yung makakita ka ng mga videos at pictures na buong bahay ay nilamon na ng baha at bubong na lang talaga ang natitira at yung iba’y sa bubong na lang nakatira.
Haaaay… kelan ba matatapos ang unos na ito? Siguro nga, lalo na lamang nating paigtingin ang ating dasal. Na sa dulo ng kadilimang ito ay makikita pa rin natin ang liwanag.
Kaya sa totoo lang, hindi na ako nagrereklamo kung may tulo man ang bubong ng bahay ko.
At least, hindi ako.”
(Photo source: Facebook – @ogie.diaz.5)
You must be logged in to post a comment Login