Connect
To Top

Ogie Diaz shares reasons why Mocha Uson’s partylist lost: “ayaw ng mga botante yung nakasandal at nakasipsip siya lagi sa Pangulo”

Hindi pinalad na makapasok ang party list ni Mocha Uson sa nakaraang 2019 midterm eleksyon. Ang party list na sinuportahan ni Mocha ay ang “AA Kasosyo”. Medyo malayo ang ranking ng party list ayon sa listahan ng COMELEC.

Nagbigay ng kanyang saloobin ang komedyante at radio broadcaster na si Ogie Diaz kung bakit sa tingin niya ay hindi pinalad na makapasok ang party list ni Mocha:

==========

Related Stories:

Ogie Diaz to Mocha Uson: “Anong gusto mong patunayan habang pinapasweldo ka ng taumbayan?”

Mocha Uson files COC as House Representative under Kasosyo Partylist

Mocha Uson confirms she is running for public office in 2019

==========

“Feeling ko, hindi siya nagka-campaign. Nag-relax siya. Akala niya siguro, mata-translate into votes ang milyon-milyon niyang followers kahit sitting pretty niya.

Feeling ko din, ayaw ng mga botante yung nakasandal at nakasipsip siya lagi sa Pangulo. Gusto nila, independent-minded. Kaya silang panindigan at ipaglaban ng partylist ni Mocha ke tumulong o hindi sa kanya ang Pangulo.

Higit sa lahat, ayaw ng mga botante na sawsaw siya nang sawsaw sa isyu kahit mali naman ang stand niya o nagre-resort na siya sa fake news para lang iparamdam sa taumbayan na “ako ang makakaaway nyo pag inaway nyo ang sinasamba ko!” to a point na kahit siguro yung (mga) taong ipinagtatanggol o ipinaglalaban niya ay nagtatakip na lang ng mukha kapag siya na ang nagsasalita.”

Narito ang buong post ni Ogie:

(Photo source: Instagram – @mochauson)

You must be logged in to post a comment Login

More in News