Talent manager and vlogger Ogie Diaz suggested to talent managers that before they accept any talents under fold, it would be better if they will have to undergo psychiatric evaluation.
According to Ogie, most of the younger talents today already have some mental health issues.
Ogie also suggested that talents for every project should a sign a contract indicating that they are willing and happy to do the project.
Here is the full statement of Ogie:
“Isa-suggest ko sa mga talent managers ito: bago tumanggap o tanggapin ang napupusuang talent, dapat, ipa-undergo sa psychiatric evaluation ang bata.
Kasi nga, ang mga teenagers ngayon, as in bata pa lang, meron nang mga mental health issues. Para din alam ng talent manager kung paano ia-address properly at iha-handle ang behaviour or attitude problem ng talent.
Tapos, isama na sa kontrata yung kada project na gagawin, kailangan, papirmahin ang bata at magulang (kung minor pa ang kanilang anak) na tinanggap nila nang buong puso at excited silang gawin ito. Na alam nilang makakatulong ang project na yon sa ikauunlad ng kanyang career na hindi nila alam kung paano patakbuhin, kaya kinuha ang expertise mo bilang manager. Para pag nagkabaligtaran, “Ayan, o! Pinirmahan mo na happy ka doing the project.”
Tapos, ilagay na din sa kontrata na “in the absence of the manager, the road manager will be there for the talent. And if the talent doesn’t want the presence of his road manager, his own personal assistant shall be present from start to finish for the scheduled work or commitment.
Tapos lahat ng moves or desisyon ng bawat isa ay kailangan, hindi surprise para hindi nagkakabiglaan. Ipagpapaalam ng talent ang lahat ng moves niya na pwedeng makaapekto sa kanyang career para hindi nangyayari na mag-damage control ang manager sa kagagahan at kagaguhang ginawa ng talent.
Kaya ang akala ng iba, kubra lang nang kubra ng komisyon ang manager, pero hindi alam ng mga nagmamarunomg kung gaano kahirap maging manager.
Para kang nag-iri ng sanggol, hanggang paglaki niyan, sa ‘yo yan aasa. Ikaw ang takbuhan niyan pag me problema silang personal kahit di na sakop ng trabaho mo yon bilang manager.
Eto, sinabi ko din ito sa vlog ni Aiko Melendez — ang role ng manager ay tagaharang ng balang tatama sa talent.
And worse—kasama na sa trabaho ng manager ang maging demonyo, manatili lang anghel sa mata ng publiko ang kanilang talent.
Anyway, mas dumami po ang gustong magpa-manage sa akin ngayon. Hahaha! Ewan ko kumbakit, pero maraming salamat sa confidence nyo sa akin. Pero mellow muna po ako, dahil busy po sa ibang bagay na less sakit ng ulo.”
(Photo source: Instagram – @ogie_diaz)
You must be logged in to post a comment Login