Magkahalong inis at pag-iintindi ang binigay ng mga netizens pagkatapos nilang mapanood ang reaksyon ng mommy ni PBB housemate Diana Mackey nang ito ay ma-evict sa bahay ni Kuya. Kinausap ni Melai Cantiveros ang ina ni Diana na si Rowena Cariaga upang magbigay ng kanyang saloobin sa pagka-evict ng kanyang anak.
‘OK Lang. Kasi lumaban siya talagasa task,’ paunang pananalita ni Mommy Rowena. Hindi mapigilang maluha ni Mommy Rowena at makikitang parang naitabig niya si Melai sa effort ni Melai na siya ay patahanin o i-comfort.
==========
Related Stories:
PBB: Diana Mackey inaming nagkaroon siya ng relasyon sa kapwa babae
PBB Housemate Diana Mackey nag-audition nga ba bilang ‘Darna’?
PBB Diana Mackey inamin na hindi niya feel na gusto sya ni Sky Quizon
==========
May mga netizens na nagsasabi na natural lamang ang reaksyon ni Mommy Rowena dahil sa ito ay malungkot nguni’t may mga nagsasabi din na hindi nararapat ang kanyang aksyon lalong lalo na sa harapan ng camera at napapanood sa TV.
Dinepensahan naman ni PBB host Bianca Gonzalez ang inasal ni Mommy Rowena sa pag-tweet ng:
“She was just being a mom.. Mahirap talaga kasi syempre pa-Big Four na tapos dun pa na-evict.. iba iba din talaga tayo ng way ng pag-express ng disappointment o lungkot. Melai did so well.
She was just being a mom.. ❤ Mahirap talaga kasi syempre pa-Big Four na tapos dun pa na-evict.. iba iba din talaga tayo ng way ng pag-express ng disappointment o lungkot. Melai did so well. ??
— Bianca Gonzalez (@iamsuperbianca) July 6, 2019
Narito ang video ng naganap na interview kay Mommy Rowena:
Sana makita ni Diana ang video clip nito of her mom’s reaction to her eviction… what a sore loser. Sa pag hagis ng mic from Melai and pushing her aside… Just an awful attitude #PBB8TheBatch4BigFour pic.twitter.com/5H04JmAVgu
— Jozef (@jozefd14) July 6, 2019
(Photo source: Instagram – @frankianakiwi)
You must be logged in to post a comment Login