PBB: Bianca Gonzalez defends Diana Mackey’s mom on her reaction during eviction night

PBB:  Bianca Gonzalez defends Diana Mackey’s mom on her reaction during eviction night

Magkahalong inis at pag-iintindi ang binigay ng mga netizens pagkatapos nilang mapanood ang reaksyon ng mommy ni PBB housemate Diana Mackey nang ito ay ma-evict sa bahay ni Kuya. Kinausap ni Melai Cantiveros ang ina ni Diana na si Rowena Cariaga upang magbigay ng kanyang saloobin sa pagka-evict ng kanyang anak.

‘OK Lang. Kasi lumaban siya talagasa task,’ paunang pananalita ni Mommy Rowena. Hindi mapigilang maluha ni Mommy Rowena at makikitang parang naitabig niya si Melai sa effort ni Melai na siya ay patahanin o i-comfort.

==========

Related Stories:

PBB: Diana Mackey inaming nagkaroon siya ng relasyon sa kapwa babae

PBB Housemate Diana Mackey nag-audition nga ba bilang ‘Darna’?

PBB Diana Mackey inamin na hindi niya feel na gusto sya ni Sky Quizon

==========

May mga netizens na nagsasabi na natural lamang ang reaksyon ni Mommy Rowena dahil sa ito ay malungkot nguni’t may mga nagsasabi din na hindi nararapat ang kanyang aksyon lalong lalo na sa harapan ng camera at napapanood sa TV.

Dinepensahan naman ni PBB host Bianca Gonzalez ang inasal ni Mommy Rowena sa pag-tweet ng:

“She was just being a mom.. Mahirap talaga kasi syempre pa-Big Four na tapos dun pa na-evict.. iba iba din talaga tayo ng way ng pag-express ng disappointment o lungkot. Melai did so well.

Narito ang video ng naganap na interview kay Mommy Rowena:

(Photo source: Instagram – @frankianakiwi)


Share This Post