Connect
To Top

Philippine Coast Guard nagpasalamat sa donasyon ni Gerald Anderson

Actor Gerald Anderson gave the first installment of his donation to the people affected by Typhoon Odette. Gerald made his contribution through the Philippine Coast Guard which he is a member of.

The PCG expressed their appreciation to Gerald for his valuable contribution via a Facebook post:

“MARAMING SALAMAT, AUXILIARY COMMANDER GERALD ANDERSON!

Kahapon, ika-19 ng Disyembre 2021, personal na hinatid ni Auxiliary Commander Gerald Anderson ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) ang unang bahagi ng kanyang donasyon para sa apektadong pamilya ng Bagyong #OdettePH.

Agad na isinakay ang saku-sakong bigas at kahung-kahong purified drinking water sa BRP Gabriela Silang (OPV-8301) na biyaheng Western Visayas at Northeastern Mindanao.

Nagpasalamat sina PCG Deputy Commandant for Operations, CG Vice Admiral Eduardo D Fabricante at Task Force Kalinga Commander, CG Rear Admiral Ronnie Gil L Gavan sa mabilis na pagresponde ni Auxiliary Commander Anderson sa panawagan ng PCG para sa karagdagang donasyon tungo sa agarang rehabilitasyon ng mga komunidad na lubos na napinsala ng nagdaang kalamidad.

Ang relief transport mission ng BRP Gabriela Silang (OPV-8301) ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na gamitin ang lahat ng assets at resources ng pamahalaan para makatulong sa pagbangon ng mga pamilyang nabiktima ng Bagyong Odette.”

(Photo source: Facebook – @Philippine Coast Guard)

You must be logged in to post a comment Login

More in News