

Actor Raymart Santiago broke his silence and responded to the accusations made by Mommy Inday Barretto, the mother of Claudine Barretto.
In a series of Instagram posts, Raymart denied all the accusations and allegations regarding his attitude and how he treated Claudine when they were still together.
“Kahit mas matimbang sa akin na manahimik na lang, siguro ay kailangan ko rin ilabas kahit paano ang aking saloobin para sa aking kapayapaan.
Sa loob ng halos labintatlong taon, pinili kong manahimik at idaan ang lahat sa tamang proseso.
=====
RELATED STORIES:
Inday Barretto on Raymart Santiago: “Claudine sinaktan na, ninakawan pa”
=====
Naging mahirap ito dahil ang pangalan na iningatan at ipinamana ng aking mga magulang ay nadungisan dahil sa mga kasinungalingan at maling akusasyon.
Masakit, dahil may mga anak kaming nakakaintindi na at naaapektuhan ng kanilang mga naririnig at nababasa sa media.
Nakakadismaya, dahil kung makapagsalita ang iba ay akala mong naging bahagi sila ng aming buhay at ang lahat ay alam nila.
Kahit na ganon, alam ko na ang pananahimik ang mas makabubuti para sa aming kanya-kanyang pamilya at mga anak. At alam ko at ng mga tunay na nakakakilala sa amin ang katotohanan,”
Hindi kaila sa akin ang paninira at nakasusuklam na akusasyon ni Mommy Inday, ang taong nirespeto, minahal at tinuring kong pangalawang ina.
Pero nakagugulat, dahil yung tao na dapat na higit na nakakikilala sa kanyang anak, ang taong siya mismong walang humpay sa paghingi ng paumanhin sa akin nuong mga nagdaang panahon ay siya ngayong nagbibitaw ng mga kasinungalingan.”
CONTINUE READING…







You must be logged in to post a comment Login