

“Hindi ko lubos maisip kung paano nila nasisikmurang humarap sa publiko at ipahiya ang kanilang sariling pamilya at harap harapang manira ng ibang tao.
Hindi man naging perpekto ang aming pagsasama, malinaw sa aking konsensya na kailanman ay hindi ko nagawa o magagawa ang mga paratang nila.
Tinupad ko ang pangako ko sa kanila ni Daddy Pikey (father of Claudine). Kahit na sarili ko ay tinaya ko para maprotektahan lang ang anak nila.
Higit sa lahat, mahal na mahal ko ang aking mga anak at binigay ko ang higit pa sa nararapat. Naiintindihan ko na kami ay ‘public figures’ at inaasahang tatanggapin ang bawat komento at kritisismo.
Ngunit sa pagkakataong ito, hindi naman siguro kalabisan na hilingin ko na ang bawat isa ay umiwas sa pagpapahayag ng mga bagay na maaaring makasakit at makasama sa kapakanan ng bawat isa, lalo na sa aming mga anak at sa kanilang kinabukasan.”
(Photo source: Instagram – Raymart Santiago)







You must be logged in to post a comment Login