Connect
To Top

Regine Velasquez: “ang laki ng utang ng gobyerno sa mga Pilipino”

Singer actress Regine Velasquez-Alcasid lamented on how the Philippine government is spending people’s taxes. Regine added that she is paying 44% of her income to taxes but is not getting anything in return.

Regine is referring to benefits like good service, good infrastructure, good healthcare, good education and more.

On Instagram, Regine posted the following:

“Nung bata ako ang akala ko mahirap ang Pilipinas hindi rin nakatulong na pinanganak akong mahirap. Pero ngayon na pagtantutantu ko hindi tayo mahirap!! Pinahihirapan tayo!!!

Ako po ay isang singer lamang na nagsumikap para maiahon ang aking pamilya sa hirap. Sa tulong ng ating Panginoon natulungan ko ang aking pamilya. Hangang ngayon ako ay nag tatrabaho ng marangal nag babayad ng wastong buwis. Ang aking income tax ay nasa 32% plus meron po akong vat na 12% 32+12=44% po ng pinaghirapan ko napupunta sa gobyerno pero wala akong nakukuha kahit anong benipisyo.

Hindi po ba dapat ipaglaban nating lahat na meron tayong proper health care?? Hindi ba dapat ipaglaban nating lahat na mabigyan ng magandang edukasyon ating mga anak. Matitinong infrastructure kasama pa dito ang ating siguridad. Bakit ako nagbabayad ng tax na halos 50% ng pinaghirapan ko tapos wala akong napakikinabangan sa ibinabayad ko??!!

Sa ibang bansa pag ganito kalaki ang tax may pension kang matatangap pag nag retire ka dito nganga. Hindi mahirap ang Pilipinas, sa aking palagay hinayaan nilang isipin nating mahirap ang bansa natin para hindi tayo magriklamo at para umasa na lang tayo sa mga barya barya nilang binibigay.

Pag nag bibigay sila ng ayuda kailangan nila ipamukha sa inyo na galing sa sarili nilang bulsa ang natatanggap nyo nakapaskil pa mga mukha nila sa isang salop na bigas,na para bang galing sa pinaghirapan nila ang ipinamimigay nila (palakpakan) I’m ranting again I know pero ang laki ng utang ng gobyerno sa mga Pilipino. Hindi tayo mahirap pinahihirapan tayo!!!!!”

(Photo source: Instagram – Regine Velasquez-Alcasid)

You must be logged in to post a comment Login

More in News