Connect
To Top

Regine Velasquez shares challenges of being a working mom amid pandemic

Singer actress Regine Velasquez-Alcasid shared with her fans and followers the challenges working-mothers like her had to go through in the middle of the pandemic.

Regine narrated that everytime she goes to work, she had to isolate herself from her son Nate for precautionary measures.

“Kasi pag may work hindi talaga kami lumalapit sa kanya. And I’ve been missing him soooooo much. But again it’s ok basta mas important safe si Nate.” said Regine.

Regine also reminded working mothers like her to be more careful and follow health protocols. Here is complete post of Regine:

“Ngayong araw na to we got to kiss and hug Nate. Kasi pag may work hindi talaga kami lumalapit sa kanya. And I’ve been missing him soooooo much. We got the results of out test today and we were both negative. Thank you Lord.Halos 2 weeks yata kaming hindi masyadong lumalapit kay Nate kaway kaway lang😢 ang hirap!!!!Pero ok lang basta safe sya.

Anyway so I have work tomorrow that means at least 7 days of no kissing and hugging him. Then need to do PCR again to be sure it’s safe to hold and kiss him na. But again it’s ok basta mas important safe si Nate.

Para po sa mga magulang na kailangan talaga lumabas para mag hanap buhay gaya namin, ingatan po natin ang ating mga sarili para po sa kaligtasan hindi lang ng mga mahal natin sa buhay para din sa ating lahat. Mag face mask at shield po tayo at parating maghugas ng kamay.

Para sa mga nag tatrabaho sa mga enclosed na lugar pabuksan po natin ang mga bintana malaking tulong po ang fresh air. Para naman sa mga bagets tiis lang tayo ng konti kung hindi kailangang lumabas stay home muna tayo. Isang taon na tayong ganito at hangang ngayon in fairness sa ating lahat at sa awa ni Lord kinakaya pa rin natin.

Mahirap at malungkot pero kung hindi tayo magtutulungan mas lalong magiging mahirap para sa ating lahat. Nais ko rin po kayong I encourage na pag may pagkakaraon na po tayong lahat mag pabakuna gawin na po natin. Gaya nyo takot pa rin ako pero if their’s an opportunity to get the vaccine I hope that you guys will at least think about it.

My husband and I will definitely (kung magkaron na)do it not just for as but for Nate na sa ngayon hindi pa pweding mag pabakuna. Let us also be informed and read about it (vaccination) hindi lang yung mga side effects basahin din natin yung posibleng tulong na magagawa nito para matapos na ang pandemic na ito. Damihan pa natin ang dasal matatapos na to in JESUS name………God bless po sa ating lahat and again please stay safe. 🙏🏻 GoodNate 😘 #kwentongnanay”

(Photo source: Instagram – @reginevalcasid)

You must be logged in to post a comment Login

More in News