Connect
To Top

Rico J. Puno may hiniling kay John Lloyd Cruz bago pumanaw

Pumanaw na ang tinaguriang Total Entertainer ng OPM na si Rico J. Puno noong October 30, 2018 dahil sa komplikasyon sa puso. Nagluluksa ang buong OPM industry sa pagpanaw ng isang haligi ng musikang Pilipino. Tumagal ng halos 40 years ang career ni Rico sa music industry.

Dapat sana ay magkakaroon pa ng concert si Rico sa November 23 na may pinakamagatang “Sana Tatlo Ang Puso Ko” kasama sina Giselle Sanchez and Marissa Sanchez. Sa naturang presscon ay naitanong si Rico patungkol sa aktor na si John Lloyd Cruz na nakasama ng nasirang singer sa programang “Home Sweetie Home.”

==========

Related Stories:

“It’s Showtime” hosts pay tribute to Rico J. Puno

Tosca Puno heartfelt farewell message to dad Rico J. Puno

Celebrities mourn the passing of OPM icon Rico J. Puno

==========

Ayon sa ulat ng Bandera ay wala na silang communication ni JLC mula ng talikuran nito ang mundo ng showbiz.

“Kaming mga naging kaibigan niya, lalo na ako kasi naging very close ako sa kanya, hindi niya sana kami binibitawan. Nandito naman kami para suportahan siya sa gusto niyang mangyari sa buhay niya,” bungad ni Rico.

“We’re not here to judge him for his actions kasi mga kaibigan niya kami. Kung ano ang nangyayari kay John Lloyd ngayon, we only wish him happiness,” dagdag pa ni Rico.

(Photo source: Youtube Screengrab – @ABS-CBN Entertainment)

You must be logged in to post a comment Login

More in News