

Senator Robin Padilla defended former COMELEC commissioner Rowena Guanzon in an incident Guanzon allegedly being asked to leave by a couple due to her cough.
On Facebook, Padilla posted the following:
“Ipinagtanggol nga ni atty guanzon ang karapatan ng bawat Pilipino.
Walang sinuman na dayuhan ang maaring magpalabas sa kahit na sinong Pilipino sa kahit saang lugar sa sarili niyang bansa may ubo man o wala.
Pasalamat nga ang dayuhan na yan at hindi siya kinuyog sa kayabangan niya na sitahin ang Isang senior citizen.
Pambihira din ang mga troll ano, kapag mga kakulay ninyo ang may mga pahayag laban sa pagmamalabis ng mga tsino sa EEZ sa WPS halos gawan niyo ng kanta sa papuri,
ito ngayon nagmalabis ang Isang tsino sa isang Filipino senior citizen sa loob na mismo ng teritoryo na ng Pilipinas, ang ibashing niyo yun Filipino senior citizen dahil lumaban.
My goodness na talaga tayong mga Pilipino. Sa Sobrang talino naging Tanga na!”
In a separate post, Padilla said:
“Paano daw kung ako ang binalasa ni atty, İsa nga ako sa binanatan ni atty guanzon, pero tuwing nakikita ko si atty
Nagpupugay ako at nagbibigay ng respeto dahil sa lawak ng kanyang karanasan hindi sa taas ng pinag aralan,
Higit sa lahat isa siyang senior citizen.
Wala kaming political alliance ni atty guanzon. Batas at pagkapilipino ang usapan dito. Wag nga kayong magpakatanga dahil sa pulitika. Matanda si atty Galangin niyo.”
(Photo source: Facebook – Bing Guanzon / Robin Padilla)







You must be logged in to post a comment Login