Senator-elect Robin Padilla shared his experience while in Spain together with his family. Robin was rushed to the hospital in Spain after feeling weak.
On Facebook, Padilla posted his ordeal during his stay in Spain. Padilla thanked his wife, nurses, and all the people who took care of him during his stay in the hospital/
“Wala akong kahit Anong sakit pero bigla na Lang ako nawalan ng lakas sa tuhod ko habang naglalakad sa parke dahilan para kagyat ako umupo sa ilalim ng puno.
Nagdilim ang paningin ko at bumagsak ako sa puno sa likod ko. Hilong hilo ako May espanyol ako na naririnig ko sa paligid ko Kinakausap ako parang Nais niya ako alalayan ilang sandali ay lumiwanag ang paningin ko.
Nanumbalik ang lakas ng tuhod ko Dahan dahan ako tumayo Inalalayan ako ng espanyol Hindi ko siya naiintindihan kaya Sabi ko Lang salamat señor.
Hinanap ko kung Nasan ang asawa ko Nakita ko ang 2 namin kapamilya kasama si gabzy na himbing na himbing sa kanyang stroller Wala si Mariel kasama si isabela na nakasakay sa isa sa mga rides
Nahihirapan na ako huminga Bumibigat ang dibdib ko Kailangan ko na pumunta sa ospital.
Nagpaalam ako kay gabzy at sa mga kapamilya Hilong Hilo na naman ako Pinilit ko maglakad hanggang sa entrance Wala akong makitang taxi Nag message ako sa kababata ko na sunduin ako at magdala ng taxi
Nag message din ako kay Sir ambassador LHUILLIER na tulungan ako makapunta sa ospital Nararamdaman ko na naman na nawawalan ng lakas ang tuhod ko Parang babagsak na naman ako.
Pagtingin ko sa kaliwa ng entrance gate nakita ko ang clinic Pinuntahan ko agad ito pumasok at sinalubong ako ng nurse na marunong mag inglis Sinabi ko sa kanya ang nangyayari sa akin Pinaupo niya ako kinunan ng BP 200/150.
Nagulat ang nurse Inulit ganon ulit Nagdesisyon siyang tumawag ng ambulance Ilang saglit dumating na si Mariel at si isabela Nagkaroon ako ng ngiti at nakabawas ng pagkagulo ng isip Pina inom ako ng pangbaba ng blood pressure pero walang pinagbago.
Dumating ang ambulansiya Sinaksakan ako ng dextrose/ ecg Unti unti umepekto ang gamot Naging 140/104
Napanatag ang lahat dahilan Para Alisin na ang mga aparato ng ambulansiya Babayaran sana ni Mariel pero libre pala ang Emergency service Dumating si sir ambassador Nagdesisyon siya na dalhin ako sa ospital
Para mas ma examine.
Nagpunta kami ni Mariel kasama ang embahada sa private hospital Parang Pilipinas din Kailangan ang deposito May mga test ang ginawa sa akin Blood test X ray Urine Lahat ay normal Binigyan Lang ako ng gamot sa high blood good for 5 days Nakauwi na ang lahat at makapahinga”
(Photo source: Facebook – @Robin Padilla)
You must be logged in to post a comment Login