Connect
To Top

Robin Padilla reacts to racist criticisms over ‘PGT’ incident

Ibinahagi ni Robin Padilla ang kanyang saloobin sa nangyari sa ‘Pilipinas Got Talent’ Season 6 na kung saan ang isang 20 year old Korean contestant na si Jiwan Kim na naninirahan sa Pilipinas ng halos 10 taon ay hindi marunong magsalita ng wikang Pilipino.

Marami ang nag-react at hindi nagustuhan ang inasal ni Robin at tinawag pa ng ilan ang action star na isang racist.

Sa kanyang Instagram post ay sinabi ni Robin na:

==========

Related Stories:

Robin Padilla insists Korean to speak Tagalog on ‘PGT’, netizens react

Netizens praise Angel Locsin for her composure and patience over Korean contestant on ‘PGT’

==========

“Filipino Hospitality is far different from slavery and stupidity.. mahalin mo ang bayan mo at ang lahi mo lalo ang wika mo bago ang lahi at wika at bayan ng dayuhan. Always Fight for your freedom to gain respect never allow a foreign power to intimidate you in your country just because they are rich. Be a proud Filipino!!! Mabuhay ang lahing kayumanggi!! Mabuhay ang Tagalog Republic!!!”

Sari-saring reaksyon ang nakuha ni Robin sa pangyayari at ipinaliwag niyang muli ang kanyang naging desisyon:

– “Kung isa kang dayuhan at 10 taon kana sa isang bansa at hindi ka pa rin marunong magsalita ng wika nila kahit basic IKAW ANG RACIST!! Anong issue mo sa wika na yun at ayaw mo matutunan”

– “Ako pa ba ang dapat mag adjust sa isang dayuhan na 10 taon na sa Pilipinas? Naku hindi po mangyayari !!! ? never!!!”

– “Napag aralan nga niya ang english dito sa eskuwelahan niya sa Pilipinas pero tagalog hindi niya natutunan. Sino ang Racist sa amin?”

– “Naku po mabait pa po ako non hindi pa ako rude non. Hindi ko po lamang mapapalagpas ang harapang pagbalewala sa ating pagkapilipino.”

– “Kung bastos ako sa tingin niyo abay Tayo ang una niyang binastos dahil pinili niyang sabihin na wala siyang alam sa tagalog kahit ang katotohanan ay nakakapagtagalog siya. Unahin niyo muna ang pag ibig niyo sa Inangbayan bago sa dayuhan. Filipino first!!! English yan!!! Hindi yan para sa inyong mga makapili para yan sa mga amo ninyong dayuhan!!”

– “Dios Mio !!! Espanyol po yan !!! Hindi po yan para sa mga makapili!! Para po yan sa mga espanyol na ninuno ko !! Bago siya dapat sumali sa PILIPINAS GOT TALENT dapat inuna niya respetuhin ang wika at kultura natin dahil sampung taon niya ng nakatira sa Pilipinas. Kung siya TURISTA abay baka kumuha pa ako ng korean-pilipino translator para matulungan ko siya sa lahat ng kanyang kailangan sa PGT. 10 yrs is equivalent to permanent stay na English uli yan hindi yan para sa mga makapili para yan sa Amo ninyong dayuhan”

(Photo source: Youtube screengrab – @Pilipinas Got Talent)

You must be logged in to post a comment Login

More in News