SexBomb member Rochelle Pangilinan recently guested on GMA-7 Eat Bulaga. Rochelle used to be part of Eat Bulaga when it was still hosted by Tito, Vic and Joey.
Netizens reacted to her performance and Rochelle explained her side about her to decision to appear of the said show:
“Twenty-eight years ago, ako unang tumuntong sa stage ng Eat Bulaga. Trese anyos pa lang ako nun pero naalalala ko pa yun hanggang ngayon.
Nung lumipat ang TVJ at ang original Eat Bulaga hosts sa TV5, tulad ninyo, naapektuhan din ako at nasaktan.
Sa araw na ito, aapak ako uli sa entablado ng Eat Bulaga. Iba na ang mga karakter sa paligid pero ang excitement at saya na nararamdaman ko ay tulad pa rin ng dati – sabik ako laging mag-perform nun sa Eat Bulaga kasama ang TVJ at ang dabarkads, sabik pa rin akong sumayaw sa bagong Eat Bulaga kasama kayo.
Bilang pagtanaw ng respeto sa Eat Bulaga, TVJ at original Dabarkads,
pitong buwan ang pinalipas ko bago pa man ako nangahas makapasok man lang sa bagong Eat Bulaga.
May takot. May pag-aalinlangan. Pero kumakapit ako sa paniniwalang dahil gusto ko lang i-share ang talento kong ibinigay niya, ako ay tatanggapin ninyo.
Nagpasintabi po ako sa original Eat Bulaga hosts and management bago ako umabot sa puntong ito.
Magpapasalamat na rin ako sa mga kasamahan ko dati at naunawaan nyo ang pag guest ko ngayon.
Bilang nanay na ako, nais kong ang mga kilos ko ay maipapgmamalaki ng anak ko, ng asawa ko at ng mga mahal ko sa buhay.
Maraming salamat sa inyong bukas na pag-iisip.”
(Photo source: Instagram – @rochellepangilinan)
You must be logged in to post a comment Login