Posptar Royalty Sarah Geronimo finally broke her silence on the non-renewal of ABS-CBN Franchise. Fans and followers of Sarah trended “Protect Sarah G AtAllCost” on Twitter after some network supporters called her out for not showing support to ABS-CBN.
On her Instagram account, Sarah shared her thoughts and sentiments. Sarah posted a photo of a lighted candle and bible verses. She also shared a photo of her statement to reaffirm support to ABS-CBN and appeal for unity.
==========
Related Stories:
- Angel Locsin responds to allegations that she is attacking Sarah Geronimo
- Matteo Guidicelli cooks for wife Sarah Geronimo
- Sarah Geronimo performs “Tala” on ASAP stage: “mag silbi po tayong tala sa ating kapwa”
==========
Full statement of Sarah:
“Malaking bahagi po ng aking karera ang ABS-CBN. Maliban po sa pamilya ko at sa aking manager na si Boss Vic, ang ABS-CBN po ay ang network na ilang beses na sumugak at sumuporta sa akin bilang artista at performer. Niyakap nila ako at inalagaan nang husto na parang kanilang sariling “anak” o homegrown talent. Malaki po ang utang na loob ko sa network na ito at habangbuhay ko po ipagpapasalamat ang bawat oportunidad, tiwala na ibinigay nila sa akin.Hindi ko man po alam ang buong detalye kung bakit di na muli nabigyan ng prankisa ang ABS-CBN… hindi ko man po naiintindihan lahat pero gusto ko po iparating ang aking pagsaludo sa mga haligi ng ABS-CBN para sa kanilang paglaban ng disente at mapagkumbaba sa harap ng ating mga lawmakers.
Bagamat napakasakit po na matanggihan, patuloy pa rin kaming sumasamo, nakikiusap at umaapila, nagdadasal para sa aming hangarin na mabigyan muli ang aming minamahal na ABS-CBN family ng isa pang pagkakataon.Pagkakataon na makabawi kung meron mang naging pagkukulang, pagkakataon na malawakang makapaglingkod, makapagbigay serbisyo sa mamamayang Pilipino. Nawa’y magkaisa po tayo, maghawak kamay, at magtulongan para malabanan ang malubhang krisis o pandemya na hinaharap ngayon ng ating bansa pati narin sa buong mundo. Naniniwala po ako na walang pagsubok na di natin kayang malagpasan basta’t tayo’y magkakaisa sa panalangin at pagsisikap, sama-samang nag papakita ng tunay na malasakit at pagmamahal para sa ating bansa para sa ating kapwa.
Nawa’y maging ISANG PAMILYA po tayo para sa mga lubos na nangangailangan at nahihirapan sa gitna ng pandemya na hinaharap ngayon ng ating bansa. ISANG PAMILYA na nagbibigay ng pagkakataon at tutulongan kang tumayo sa iyong pagkakadapa. ISANG PAMILYA na matibay na nagkakaisa sa kabutihan ng lahat.
Mahal ko po ang aking ABS-CBN family. Mahalaga po sa akin ang bawat empleyado na labis na nagdadalamhati ngayon dahil sa kawalan ng trabaho.Nakikisa po ako sa kanilang apila na muling makabalik sa trabaho upang patuloy na makapagbigay serbisyo para sa kani-kanilang mga pamilya at para sa bansa.
Ako po si Sarah Geronimo, di lamang artista, isa ring mamamayang Pilipino na umaapila para sa mga labis na apektado ng COVID-19. Magtulongan po tayo, wag po tayo magwatak-watak. Ituon po natin ang ating pansin at pokus sa ating mga kababayan na sugatan at pasigaw nang humihingi ng saklolo dahil sa pagod, sakit at pag dadalamhati.
MAGKAISA PO TAYO PARA SA ATING MAHAL NA BANSANG PILIPINAS.
MAGKAISA PO TAYO. MAGKAISA PO TAYO PARA SA ATING KAPWA.”
(Photo source: Instagram – @justsarahgph)
FEATURED VIDEO :
You must be logged in to post a comment Login