Connect
To Top

Shaina Magdayao lilipat nga ba sa GMA-7?

Mukhang nauuso ang lipatan ngayon ng network. Kamakailan lamang ay naging Kapuso na ang magaling na aktor na si Derek Ramsay. Sa segment na ‘SINO’ ng tambalang Arnold Clavio, Joel Reyes Zobel at Ali Sotta sa DZBB 594 ay may blind item na ibinigay si Igan.

Isang artista daw na galing sa ABS-CBN na lilipat sa GMA-7 at ito daw ay may isang kapatid na galing din ng GMA-7 na nasa ABS-CBN naman ngayon. Ang clue na ibinigay ay letter A sa pangalan at letter G sa apelyido.

==========

Related Stories:

Shaina Magdayao at Jodi Sta. Maria nag-paa dahil napagod sa pagsuot ng high-heels

Shaina Magdayao is back with a vengeance

Did Piolo Pascual give this bouquet of roses to Shaina Magdayao?

==========

Karamihan ng nanghula ay si Alex Gonzaga dahil swak ang mga clue sa pangalan niya. Nag tweet pa nga si Alex tungkol dito:

“Huh? Ako ba to parang ako?? Wala akong alam!! Mommy Pinty ano to??”

Ang isa pang pangalan na lumutang ay si Shaina Magdayao na may letter A din sa pangalan at letter G sa apelyido at may kapatid ito na si Vina Morales. Wala pang official na statement o reaksyon si Shaina patungkol sa balitang ito.

(Photo source: Instagram – @shaina_magdayao)

You must be logged in to post a comment Login

More in News