Hindi man natuloy ang reunion movie project nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ay nagkaroon naman ng reunion ang dalawa sa concert stage. Naganap ang pagsasama nina Sharon at Gabby sa pagdiriwang ng 12th Gabay Guro Grand Gathering na ginanap sa Mall of Asia Arena.
Naghiyawan ang mga manonood ng ipinakilala ni Sharon si Gabby: “For the first time in forever, Mr Gabby Concepcion, ladies and gentlemen.” Na sinuklian naman ni Gabby ng: “And Ms Sharon Cuneta Concepcion, noong araw,” na naging dahilan para lalong magsigawan at kiligin ang mga fans and followers nila.
==========
Related Stories:
Kris Aquino expresses interest to co-produce Sharon Cuneta and Gabby Concepcion’s reunion movie
Sharon Cuneta expresses willingness to be friends with Gabby Concepcion for daughter KC Concepcion
==========
Kinanta ng dalawa ang sikat na awiting “Come What May” na pinasikat nina Lani Hall and Herb Albert.
Narito ang kanilang nakakakilig na video:
(Photo source: Instagram – @pldtgabayguro)
You must be logged in to post a comment Login