Connect
To Top

Son of Mark Leviste visits Kris Aquino

Ronin Leviste, son of Mark Leviste, shared a couple of photos from his visit to actress and TV host Kris Aquino. Ronin mentioned that despite their failed relationship, Mark and Kris remain friends.

He added that Kris took care of them during the visit and has maintained the love they share for each other

On Facebook, Ronin posted a couple of photos with the following message:

“Sweetness overload si TK (Tita Kris)! Binisita namin ni Andrea si Tita Kris matapos ang aming trabaho sa Batangas. Kahit masama ang pakiramdam niya, siya mismo ang naghanda ng dinner para sa amin at pinaghanda pa kami ng super sarap na lechon galing Tarlac! 🤙 Extra special tuloy ang aming naging date night dahil kasama namin ni Andrea ang aming future Ninang 🥰

Hindi man sila nagkatuluyan ni Dad, nanatili naman silang magkaibigan; naghiwalay sila ng walang sama ng loob sa isa’t-isa, at hindi mawawala ang aming pagmamahal kay TK, Bimb, at Kuya Josh. Palaging nandiyan si TK para sa amin. Lagi kaming may kwarto sa kanilang tahanan at lagi silang handang tumulong sa lahat ng aming pangangailangan. Minsan natutulog kaming lahat sa isang kwarto laang [last frame].

Sabi pa nga ni TK, kapag okay na siya ulit, gusto niyang sumama sa aking pag-ikot sa Lian para makilala niya ang aking mga katrabaho at kababayan, pati na rin para tumingin ng mga beachfront properties na pwede nilang lipatan. Gusto rin maranasan ni TK ang mag-bbq sa balsa sa amin sa Matabungkay!

Para sa hindi pa nakakaalam, si Tita Kris, Bimb, at Kuya Josh ang nag-sponsor ng bagong e-library natin sa Matabungkay National High School na naging proyekto ng aking bunsong kapatid na si C2.

TK, patuloy kaming nagdadasal para sa iyong mabilis na paggaling! Thank you for everything you’ve done and continue to do for me, my dad, Andrea, and my siblings. Maraming salamat din po sa lahat ng mga kababayan natin na nagdadasal para kay Tita Kris at palaging nangangamusta sa kanyang pamilya. We’re always so happy to see you happy and beautiful. We are all here for you! Keep fighting po! 🙏🏼 Love, love, love!”

(Photo source: Facebook – Ronin Leviste)

You must be logged in to post a comment Login

More in News