Connect
To Top

Suzette Doctolero reacts to Andoy Ranay’s remark: “Aanhin mo ang franchise kung basura naman ang trabaho”

“Sa totoo lang, at pagpapaka totoo lang, hindi pa natin (lahat ng network, walang prangkisa at meron)naaabot ang world class. Ang babaw ng pamantayan kung world Class na ang taguri sa mga show na pinroduced abroad (gamit allegedly ang loan na di binayaran daw! Daw ha!) pero same same na kwento. Boy meets girl eklavu. Tsk. Hindi world class yun. Magaling lang sa promo, at Pinaniniwala kayo na sila ay world class pero same same content At molde.

Ang world class, kapag itinampok Mo ang kwento, kultura at karanasang Pinoy, pero universal pa rin ang tema, kaya makakarelate ang mga banyaga. For example: Korean ts, at humahabol na ang thailand. Maski naman ang Indian ay may bollywood na talagang ang pagkakakilanlan ay sa kanila. E ano ang seryeng pinoy ba na pang world Class pero pinoy na pinoy ang identity? (Note: di porke pinoy ang artista at staff na gumawa ay pinoy na ang identity ng gawa lalo na at napaka western ng pamantayan dito (gaya gaya sa kwentong western, feeling hindi asian).

Hindi rin po ito ukol lang sa pag Ibig lang ni inday at dodong habang nasa magandang location like abroad. Hanggang diyan pa lang tayo e ‘no? Hanggang sa pang aliw pa lang. wala pa tayo roon sa inilalako natin ang kultura’t eksperyensang pinoy sa pndaigdigang market. Ewan ko sa iba pero at least ang GMA ay walang yabang promo na pa world class kuno kami. Ginagawa lang namin ang kaya naming gawin para magbigay aliw at minsan ay inpormasyon sa aming viewers.

mahirap pa kasing gawin ang world domination este pa world class (yung totoong worldClass ha, hindi promo) Kinakailangan rin kasi ang napakalaking government support and initiative para maachieve ang totoong world Class. Hindi pwedeng hindi. Kailngan magtulungan ang govt at entertainment industry para sa world Class goal. Kaya hinay hinay sa pagda down sa iba at pagyayabang. Malayo pa tayong lahat.”

Later on, Suzette also reiterated that they are not ‘trashy’.

“Di pa ako tapos (sinimulan ninyo ha). Hype lang kasi, na sila ay world class.Inuuto kayo. Naniniwala naman ang iba. Pero pansinin na iisa ang molde ng mga show. Bidang breadwinner na mula sa mahirap na pamilya pero masaya sila kahit poor. Chummy family, Brady bunch concept. Tapos mame meet ang isang guy o girl na mayaman. Same same.

Iba iba lang ang location. Baguio, Manila, Italy, Amerika, Timbukto, tralala. Pero Same kwento. Same problema. Malaki lang ang mga artista. Pero Pwede nga itong isulat na nakapikit. Haha. Tapos ipapackage na world class. Feeling ninyo naman na totoo. Mas mahal pa ang cost ng promo at trolls kesa sustansya ng content.

Diyan magaling. Sa hype. Na sila ang magaling. Sila ang class. Sila ang api at inaapi. Di namin kayo niloko kilanman kasi wala kaming trolls. Pag mag trending kami, totoo iyon. Di paulit ulit ang sinasabi, makarami lang ng puntos sa trending.

Pero uulitin ko: malawak ang tema ng mga kwento at konsepto dito sa aming munting tahanan. May creative freedom. Kami lang ang gumagawa ng mga historical serye, lgbt, pwd, indigenous people’s story, at matitinding fantasy series, and yes gumagawa rin kami ng mga kabitan at sampalan at saka mga political serye. Iba iba. Kasi iba iba rin ang taste ng audience.

Tignan ninyo: nasa kanila na raw ang lahat ng mga sikat at mga walang name daw ang mga artista namin pero natatalo pa namin sa ratings (ang probinsyano lang ang mahirap ptumbahin, na nagawa ng Enca at saka yung mga show namin now haha, pero bilib rin ako sa creative team nun). Why? Kasi Content is King. Pero wala kaming claim na world class kami kasi alam namin na marami pang dapat gawin at ayusin at babaguhin.

Ang sinasabi ko lang: hindi po kami ang totoong basura. And yes, may franchise kami. Kasi we pay our taxes…at yun ang totoong may class. “ Suzette wrote.

(Photo source: Facebook: Suzette Severo Doctolero)

Pages: 1 2

You must be logged in to post a comment Login

More in News