Connect
To Top

‘The Boobay and Tekla Show’ tinalbugan na sa ratings ang ‘Gandang Gabi Vice’?

Marami ang nagtaas ng kilay ng mabalitaang naungusan na ng ‘The Boobay and Tekla Show’ ang TV show ni vice Ganda na ‘Gandang Gabi Vice’. Ayon sa mga post ng TBATS sa Instagram ay lumalabas na mas pinapanood na ang ‘TBATS’ kasya sa ‘GGV’.

Ayon sa dalawang post ay nakakuha ng 7.0% ang The Boobay And Tekla Show compared sa Gandang Gabi Vice na nakakuha ng 4.7%. Sa isang pang post ay nakakuha ang TBATS ng 6.7% samantalang ang GGV ay 4.0%

Ayon sa mga netizens, marahil ay dahil ito sa madalas na makita si Vice sa TV dahil kasali ito sa “It’s Showtime” at “Idol Philippines” samantalang sila Boobay at Tekla ay bibihira lamang.

(Photo source: Instagram – @boobayandtekla)

You must be logged in to post a comment Login

More in News