Connect
To Top

Vice Ganda inaming may mga pina-ayos sa kanyang katawan

TV host and actor Vice Ganda admitted that he underwent some enhancements to look better. Vice made the revelation during his online interview with Janine Berdin on “Gabing Gabi Vice.” Janine also admitted that she underwent some enhancements to make her feel good about herself and gained more confidence.

Vice commented about the decision made by Janine:

Alam mo, maraming magsasabi na ‘Mali si Janine Berdin. She should have felt happy about herself. Dapat tanggap niya ‘yung sarili niya. Dapat na-aappreciate niya ‘yung sarili niya. Kasi ‘yung laging linya na ‘Yan ‘yung binigay sa’yo ng Diyos eh, ba’t binabago mo?’ Makakarinig ka ng mga ganun.” said Vice.

“Pero ako naman, hindi natin masisisi si Janine. Ang sinasabi ko lang is, para sa akin, walang masama sa ginagawa mo. Kasi ‘yung katawan mo gift ‘yan. Pero ‘diba lahat naman tayo ‘yung regalo natin may kanya-kanya tayong choice kung paano natin babalutin ‘yung regalo? ‘Di ba ‘yung iba nilalagyan ng ribbon para mas maganda? ‘Yung iba bibiili ka ng mamahaling wrap para mas maganda.” added Vice.

“Ako ginawa ko rin ‘yan sa sarili ko eh. Nagpagawa ko ng mata, nagpagawa ako ng pisngi, ng baba, ‘di ba? So choice natin kung paano natin ira-wrap ang mga sarili natin. Pero ang malinaw sa atin, ang pinakamalaking regalo natin, hindi naman ‘yung mukha kundi ang nasa loob. ‘Yung totoong regalo, ‘yung puso natin,” Vice admitted.

(Photo source: Instagram – @Vice Ganda)

You must be logged in to post a comment Login

More in News