Connect
To Top

Vice Ganda may mensahe sa paglipat ng “It’s Showtime” sa GTV

Many of the fans and followers of “It’s Showtime” were surprised with the announcement that the program will be moving from TV5 to GTV.

This is because the contract between ABS-CBN and TV5 as a blocktimer will expire on June 30, 2023. This paved the way for TV5 to accept and launch their new partnership with TVJ Productions Inc. by Tito Sotto, Vic Sotto and Joey De Leon.

TV5 offered the 4.30pm timeslot to ABS-CBN for “It’s Showtime” but they respectfully decline the offer and decided to move to GTV.

TV host Vice Ganda posted the following to assure their fans and followers of the love:

“Dear It’s Showtime Family,

Alam kong nagulat kayo. Naguguluhan. Natatakot. Nalulungkot. Naiiyak.

Haaaaay! Hingang malalim. May kaguluhan at kabilisan ang mga ganap.

Ganunpaman, kalma lang (at least try). Nakabibigla man ang mga nangyayari, sabi nga ng linya ko sa kanta natin, “Basta’t kasama Kapamilya, kahit ano pa ‘yan kayang-kaya!”

Sa dami ng mga pinagdaanan natin, kering-keri na natin ‘to. Naranasan na natin ang ma-torture, mabugbog, ilibing nang buhay. Ngayon pa ba! Tapik na lang ‘to!

Madami mang walang kasiguruhan pero sigurado akong mahal tayo ng minamahal nating Madlang People. At ang pagmamahal na yun ang bumuhay sa’tin sa bawat paghihingalong naranasan noon. Ang puso ng Madlang People ang TOTOONG TAHANAN natin.

Kaya tuloy lang. Patuloy tayong magpasaya at magbigay ng pag-asa. Maniwala ka, “Ituloy lang ang sikap, sa dulo’y kikislap!”

Sa oras ng iyong panghihina at pagkalito ay sasamahan kita. Bubuhatin natin ang isa’t isa. Itataguyod kahit anong pagod. ‘Di kita iiwan. Pahirin mo ang iyong luha. Itutuloy natin ang saya. Dito at doon. Damhin mo ang mahigpit kong yakap. Mahal na mahal kita!

Life is fascinating and makes you grateful. When it takes one thing from you it always replaces it with something else.”

(Photo source: Instagram – @praybeytbenjamin)

You must be logged in to post a comment Login

More in News