Vice Ganda tinupad ang pangakong regalo para kay child actress Elia Ilano

Vice Ganda tinupad ang pangakong regalo para kay child actress Elia Ilano

Tinupad ni Vice Ganda ang kanyang pangako na bibigyan niya ng regalo ang batang aktres na si Elia Ilano na kasama sa ‘La Luna Sangre.’ Nag-guest si Ela sa ‘Magandang Gabi Vice’ kasama sina Erika Clemente, Uno Bibo at Justin James Quilantang.

Tinanong ni Vice si Elia kung anong regalo ang gusto nito at ang sagot ni Elia ay isang Barbie Doll House. Hindi nabigo si Elia dahil ipinadala na ni Vice ang munting hiling ni Elia.

“Thank you po Ate Vice, I love you po, sobrang bait nyo po talaga. Sabi ko na nga po ba, hindi nyo kami ibibigo sa promise nyo eh. I love you po Ate Vice,” buong sayang pasasalamat ni Elia.

Narito ang video:

(Photo source: Facebook – @Elia Ilano)


Share This Post