The office of Vice President Leni Robredo vehemently denied news that are circulating that VP Robredo is giving away ‘chicharon’ as relief goods to typhoon victims. Critics have been accusing the VP for tagging along reporters for her relief efforts.
Robredo made it clear that they are distributing hot meals, food packs, hygiene kits, blankets and many more, and not ‘chicharons’ or crackers are being circulated online.
Here is their post:
“FAKE NEWS ALERT! Mariin pong itinatanggi ng ating Tanggapan ang kasinungalingang kumakalat sa social media. Una sa lahat, sa mga oras na ito ay hindi pa po tayo nakapunta sa evacuation centers sa San Mateo, Rizal.
Pangalawa, hindi po totoo na palagi tayong may mga kasamang taga media. Ang lahat ng mga litrato o video na inilalabas natin sa ating official Facebook page ay kuha ng ating staff.
Pangatlo, sinisiguro po natin na ang mga ipinaaabot na relief assistance ng ating Tanggapan, sa tulong ng ating mga #AngatBuhay partners, ay ang mga bagay na lubos na kinakailangan ng ating mga kababayang nasalanta, gaya ng hot meals, food packs, mga hygiene kits, higaan, kumot at iba pa. Hindi rin po kami namigay ng chicharon tulad ng sinasabi ng post.
Nakakalungkot na sa gitna ng mga ganitong pagkakataon ay may mga tao pa ring mas pinipiling gumawa ng mga pagmumulan ng isyu sa halip na ituon ang oras sa mga mas makabuluhang bagay, tulad ng pagtulong sa kapwa.”
(Photo source: Facebook – @VPLeniRobredoPH)
You must be logged in to post a comment Login