Noong tinanggap ko ang trabahong ito, ang una kong tinanong sa kanila ay: “Handa na ba kayo sa akin?” Ngayon ang tanong ko: Ano bang kinatatakutan ninyo?
Ano ba ang kinatatakutan ninyong malaman ko?
Ano ba ang kinatatakutan ninyong malaman ng taumbayan?
Mr. President, hindi ko hiningi ang posisyong ito. Pero sineryoso ko ang trabahong ipinasa ninyo. Ang hiling ng taumbayan: isang gobyernong tunay na kampeon laban sa iligal na droga. Alalahanin natin na ang droga at mga drug lord ang kalaban—hindi ako, at lalong hindi ang taumbayan.
Mga minamahal kong mga kababayan: bilang inyong Pangalawang Pangulo, ang pinakamatimbang kong pananagutan ay sa inyo.
Sa mga susunod na araw magbibigay ako ng ulat sa bayan. Sasabihin ko ang aking natuklasan at ang aking mga rekomendasyon. Makakaasa kayo: kahit tinanggalan ako ng posisyon, hinding-hindi nila kayang tanggalin ang aking determinasyon.
Determinasyong itigil ang patayan, panagutin ang kailangang managot, at ipanalo ang kampanya laban sa iligal na droga.
Kung sa tingin nila matatapos ito dito, hindi nila ako kilala.
Nagsisimula pa lamang ako.
Here is the video:
(Photo source: Instagram – @denciomacoy)
(Story source: Facebook – @VPLeniRobredoPH)
You must be logged in to post a comment Login