Connect
To Top

WATCH: Is Maine Mendoza thinking about quitting showbiz?

Marami ang nagtatanong kung iniisip ba o pinaghahandaan na ba ni Maine Mendoza ang pag-alis sa showbusiness? Sa isang birthday surprise na ibinigay ng mga fans ni Maine ay nagbigay ito ng kanyang mensahe ng pasasalamat sa kanyang mga fans.

At sa kanyang birthday speech ay may kung ilan ulit niyang sinabi na nagpapasalamat sya sa lahat ng mga pagmamahal at suportang ibinigay sa kanya ng kanyang mga fans.

“sobra ko talaga tine-treasure, hindi po natin alam kung hanggang saan magtatapos pero mas magandang malaman nyo na taos puso akong nagpapasalamat sa lahat ng ipinakita nyo at suporta sa akin” sabi ni Maine.

Naluluha si Maine nang binigkas niya ang kanyang birthday message. Sinabi naman ng iba na nagpapaka-totoo lamang si Maine dahil wala naman daw talagang nakakaalam kung hanggang kailan ba tatagal ang kasikatan ng isang artista.

Narito ang kabuuan ng kanyang mensahe:

(Photo source: Instagram – @m3nggalurks)

You must be logged in to post a comment Login

More in News