Marami ang nagtatanong kung dadala ba si Arjo Atayde sa premiere night ng pelikula ni Maine Mendoza na “Isa Pa With Feelings.” Makakatambal ni Maine sa pelikula si Carlo Aquino at marami ang nag-aabang kung ano kaya ang chemistry nina Carlo at Maine sa pelikula.
Ito kauna-unahang pelikulang iba ang katambal ni Maine. Si Alden Richards ang dati niyang ka-loveteam. Si Alden ay nakagawa na ng pelikula kasama si Kathryn Bernardo na “Hello, Love, Goodbye” na talaga namang dinumog ng manonood. Kaya isang malaking hamon para kina Maine at Carlo ang kalalabasan ng kanilang pelikula dahil tiyak na ikukumpara ito sa movie nina Alden at Kathryn.
Ang isa pang inaabangan ay kung dadalo ba daw si Arjo sa premiere night ng “Isa Pa WIth Feelings” bilang pagpapakita ng suporta kay Maine. Kung pagbabasehan ang mga naunang interviews nina Maine at Arjo ay madalas nilang sabihin na hangga’t maari ay ayaw nilang pagsamahin ang mundo ng showbiz sa kanilang personal lives. Ang pribado ay pribado at ang work ay work. So maaring hindi dumalo si Arjo bilang pagbibigay respesto na din siguro kay Carlo.
May iba namang pamamaraan ng pagpapakita ng suporta at hindi lang sa pag-attend ng isang premiere night. Abangan natin.
(Photo source: Instagram – @arjoatayde)
You must be logged in to post a comment Login