Pagkatapos sabihin ni Kris Aquino na crush niya si Alden Richards at nais niyang maging ‘nanay’ ni Alden sa pelikula ay interesado din ang Pambansang Bae ang makatrabaho si Kris. Seryoso talaga si Kris sa kanyang sinabi dahil isinama niya ang GMA Network at si Ms. Annette Gozon sa kanyang post.
“di na ko mahihiya, libreng mangarap so i’m tagging @annettegozon of GMA FILMS & @gmanetwork.”
==========
Related Stories:
Kris Aquino gustong maging nanay ni Alden Richards sa pelikula
Kris Aquino sinagot ang basher tungkol kay Alden Richards
Kris Aquino inaming si Alden Richards ang kanyang local celebrity crush
==========
Sinagot naman ni Alden ang tinuran ni Kris sa kanyang Thanksgiving party with the members of the press.
“Nakakahiya naman kay Ms. Kris. Nabasa ko nga yung mga sinabi niya. Sa akin okay na okay ako. Kung mabibigyan ng chance why not? Sana matuloy,” sabi ni Alden.
(Photo source: Instagram – @aldenrichards02)
You must be logged in to post a comment Login