Inamin ng batikang manunulat na si Lolit Solis na powerless sya at nanginginig siya sa takot kay Gretchen Barretto. Sa isang Instagram post ni Nanay Lolit na gusto man niyang humingi ng sorry kay Gretchen ay alam naman daw nyang hindi daw ito tatanggapin ng huli.
Idinagdag pa ni Nanay Lolit na bilib siya kay Gretchen dahil kahit galit ito ay naisip pa niyang tawagin si Nanay Lolit ng Tota Lolit.
==========
Related Stories:
Lolit Solis shares her opinion on ongoing feud between Kris Aquino and Gretchen Barretto
Lolit Solis, Ricky Lo and Gretchen Barretto to have an online talk show soon
Lolit Solis nagbigay ng advice kay Kris Aquino: “just be happy and carefree again”
==========
Narito ang buong post ni Nanay Lolit:
“Naku ha hindi ko kaya powers ni Gretchen Barretto Salve. Ano ang magagawa ng isang 72 years old powerless na senior citizen na tulad ko sa isang very powerful, mayaman at reyna ng kagandahan tulad ni Gretchen?
Siyempre ang manginig sa takot dahil hindi mo alam how far Gretchen will go sa threat niya sa isang powerless, moneyless old woman na tinatawag niyang Tota Lolit. Cute ni Gretchen ha, hindi ko akalain kahit galit siya hindi nawawala ang wit niya para maisip ang Tota Lolit. At least, dahil dog lover ako, bagay sa akin.
Well, I cannot simply say SORRY dahil siyempre baka hindi niya tanggapin. So whatever Gretchen feels to do with a powerless, moneyless, old senior woman like me, tanggapin ko na lang. Kung saan puwede humantong galit niya, what can I do ? Sleepless nights and stress might kill me, but ito usually ang payment sa ginawa mo na hindi matanggap ng iba, so Take It Per Minute, kung anuman ang mangyari.
Hay naku, when you are 72, life is like a chocolate, you don’t know what flavor you will get inside the box of different flavors, bitter, sweet, sour or dark or white.”
(Photo source: Instagram – @akosilolitsolis)
You must be logged in to post a comment Login