Connect
To Top

Robin Padilla insists Korean to speak Tagalog on ‘PGT’, netizens react

Hindi ikinatuwa ng karamihan ng mga netizens sa ginawa ni action star Robin Padila sa pagpilit sa isang Korean contestant sa ‘Pilipinas Got Talent’ Season 6 na magsalita ng Tagalog.

Ang 20 year old Korean contestant na si Jiwan Kim ay naninirahan sa Pilipinas ng may higit 10 taon na, nguni’t inamin niyang hindi siya marunong mag-Tagalog.

==========

Related Stories:

Robin Padilla reacts to racist criticisms over ‘PGT’ incident

Netizens praise Angel Locsin for her composure and patience over Korean contestant on ‘PGT’

==========

Sa kanyang magic act ay nais niyang tawagin si Robin para i-assist siya nguni’t tumanggi si Robin hangga’t hindi siya (Kim Jiwan) magsalita ng tagalog.

Ang katwiran ni Robin ay dahil ang titulo ng show ay ‘Pilipinas Got Talent’ kaya’t nararapat lamang na magsalita lahat ng Tagalog.

‘Iho, Pilipinas Got Talent, mag-tagalog ka. kasi magmumukha kaming katawa-tawa kung mag-eenglish kami dito para sa iyo. Magtagalog ka muna bago mo ako kausapin,” sabi ni Robin.

Sari-saring reaksyon ang ibinato ng netizens kay Robin sa pangyayari – may mga hindi sumang=ayon sa inasal ni Robin at meron din namang naiintindihan ang posisyon ni Robin.

Narito ang video:

(Photo source: Youtube – @Pilipinas Got Talent)

You must be logged in to post a comment Login

More in News