Actor and TV host Vice Ganda shared his views about poverty after a contestant of “It’s Showtime” segment ‘Rampanalo’ that it is perfectly fine to be poor.
“masarap naman po mabuhay bilang mahirap” said the contestant.
Vice expressed his disagreement and said that people should stop romanticizing poverty.
Iko-correct lang natin ‘yan ha. Kasi hindi tama ‘yung sinasabi nating okay naman maging mahirap. Alam mo ang okay lang na nararamdaman ng maraming mahirap, okay kasi mahirap sila pero nagmamahalan silang pamilya, okay ‘yon.” started Vice.
“Mahirap sila pero mabuting tao sila, okay yon. Mahirap sila, pero mahal sila ng nanay at tatay nila, okay yon. Mahirap sila at nakakapag-aral sila, okay yon. Pero kung may pagkakataong maging mayaman, ayaw mo ba ‘yon?” Vice asked the contestant.
“Gusto po,” answered the contestant.
“Yon! Kaya huwag wag mong sasabihing okay, masarap maging mahirap kasi hindi totoo ‘yan. Mali ‘yon, mali. Maling mentality, ha.” Vice said.
“Mali ang mentality na mahalin natin ang pagiging mahirap dahil hindi. Maraming pagkakataon sa buhay natin na hirap na hirap tayo dahil sa kundisyon ng ating pamumuhay.” Vice added.
“Kaya gagawa ka ng paraan para makatakas doon sa kahirapan na yon, sa poverty. Para kapag nakaanak ka, mapag-aaral mo ‘yung anak mo. Magkaroon siya ng magandang kinabukasan. Yung asawa mo maging komportable ang buhay. Hindi kayo matatakot kung paano kayo magbabayad ng utang,” Vice said.
“Mindset, mindset, mindset! Mahirap ako ngayon, mabuting tao ako, pero tatakas ako sa kahirapan. Magiging mayaman ako at mabuting tao pa din. We change the mindset, diba? ‘Wag nating niro-romanticize ang poverty,” ended Vice.
(Photo source: Instagram – @praybeytbenjamin)
You must be logged in to post a comment Login