TV Broadcaster Arnold Clavio shared his thoughts about the issue of ‘sexual harassment’ in the entertainment world. Arnold said that this kind of activities should be stopped immediately.
On his Instagram account, Arnold posted his position about the matter:
“Sa Industriya ng Showbiz sa Pilipinas , marami na ang nababalitaan ng ‘sexual harassment’ lalo na sa mga nagnanais maging artista .
Ang pagpayag sa pabor o gusto ng isang may kapangyarihan para sa isang baguhan ang pinakamadaling paraan na makamit ang kanyang pangarap . Kalimitan dito ay sekswal na pang-aabuso , sa babae man o sa lalaki.
Tali ang kamay ng mga biktima na tumanggi sa paniwalang di sila magtatagumpay sa piniling career. Kaya karamihan , masakit man sa kalooban , ay maituturing na willing victim o sumasang-ayon na lang .
Pero may isa pang problema ang tila pagtanggap sa maling kalakarang ito. Pinipili ng ilan na manahimik dahil ayaw na mapahiya , sa kanyang pamilya o sa publiko.
Sa ganitong situwasyon, ang predator ang may koneksyon o may protektor , para hindi magtagumpay ang anumang reklamo .
Kailangan na itong matigil !!!
Kailangan na ang isang malaganap na kampanya para sa kamalayan laban sa sexual abuse , sexual harassment at maging sa kultura ng panggagahasa .
Ipakita dapat ng buong industriya ang suporta kung saan ipinapahayag ng mga biktima ang kanilang mga karanasan sa sekswal na pang-aabuso .
Ang suportang ito ang magbibigay ng kapangyarihan sa mga nakaranas ng sekswal ba pag-atake sa pamamagitan ng pakikiramay at , pagkakaisa at makita na ito ay isang malalang problema at hindi paisa-isang kaso lamang .
Kung ang lahat ng biktima ay magkakaisa tiyak na kikilos ang buong industriya para ito ay wakasan:
Para sa mga naging biktima , hindi ka nag-iisa at hindi ka dapat mahiya .
Para sa nakararanas ng ganitong mapait na situwasyon , may karapatan kang tumanggi nang pag-aalinlangan o takot sa iyong magiging kinabukasan .
At tayong lahat ay may responsabilidad para ito ay matigil na. Lumantad , lumabas, mag-ingay ang sinuman sa atin na nakasaksi o may nalalaman na naganap na sekswal na pang-aabuso o panggigipit.”
(Photo source: Instagram – @Arnold Clavio)
You must be logged in to post a comment Login