Connect
To Top

Ogie Diaz sends an open letter to Congressman Mike Defensor

Comedian and talent manager Ogie Diaz sent an open letter to Anakalusugan Representativ Mike Defensor in relation to a threat the congressman received for his four year old daughter. Rep. Defensor tweeted about this:

“Yung masamang salita ay tanggap ko. Murahin mo ako at laiitin- I set it aside. You can criticize me and even curse me and I can take it.But when you threaten to kill my 4 yr old child Juliana you have gone beyond the limit.I will look for you and I will not stop.”

In reaction, Ogie posted the following on his Facebook page:

“Dear Cong. Mike Defensor,

Nagbanta ang isang netizen na gustong patayin ang anak mong walang kamuwang-muwang, tama ang naisip mo, hanapin mo at idemanda mo yung basher na yon, Congressman.

Kahit ako, kahit hindi ako pulitiko, nakakatikim din ng lupit ng mga bashers ang mga anak ko.

Feeling ko, resulta yon ng ginawa kong paniniwala o pakikipaglaban sa aking mga ipino-post na para sa iba ay mali, kaya yung mga anak ko ang pinupuntirya ng bashing.

Ganon din ikaw, Congressman, pareho lang tayo. Me ginawa ka na feeling ng iba, mali, kaya sasaktan ka nila sa kung saan ka pinakamahina — sa mga anak mo.

Ipagdasal mo na lang sila, Congressman. Ipagpasadiyos mo na lang at i-block mo na lang sila. Payo ko lang naman.

Dahil baka lalo lang manganak ang bilang ng mang-aasar sa yo, eh manganganak din yung idedemanda mo.

Baka hindi ka na maka-concentrate sa pag-iisip kung paano pa ingungudngod ang nakadapa nang ABS-CBN, dahil inubos mo na ang panahon mo sa mga taong kalaban ng ipinaglalaban mo.

Kung itutuloy mo ang demanda, go ahead. You all have the right to do it, dahil tatay ka at marapat lang na ikaw ang unang tagapagtanggol ng mga anak mo.

Pero ikaw na rin lang ang pinag-uusapan, gusto ko lang magpasalamat sa yo, dahil me anak kang pinalaki mo na may wastong pag-iisip. Na kahit siguro pinagpaliwanagan mo pa siya ay nanaig pa rin sa kanya ang awa sa mga mawawalan ng trabaho.

Kahit magkaiba kayo ng paniniwala, maraming humanga sa dalaga mong anak na pinagana ang puso para sa 11k workers ng ABS-CBN.

“But at the end of the day, I’m not the one in Congress. And more importantly, I am NOT my father. My heart goes out to those who are greatly affected by this, most especially the 11,000 workers who have lost their jobs in the middle of a pandemic.”

Oo naman, anak. Totoo ka. You are not your father. Maraming salamat. I owe you one, Mikee. 💔💚💙”

(Photo source: Instagram – @ogiediaz / Twitter – @Mike Defensor)

You must be logged in to post a comment Login

More in News