Humingi ng paumanhin ang batikang TV at radio broadcaster na si Anthony Taberna sa kanyang sinabi sa ‘Umagang Kay Ganda’ (UKG) patungkol sa isang 19 years old na naging biktima ng rape nang makipagkita ito sa kanyang ka-chat.
“Kapag ikaw ay babae, huwag kang papasok sa lungga ng mga tulisan,” payo ni Anthony.
==========
Related Stories:
Anthony Taberna binatikos dahil sa diumano’y komento tungkol sa babaeng ginahasa
==========
Hindi nagustuhan ng netizens ang sinabi ni Anthony at inulan ito ng batikos.
Kaya naman humingi si Anthony ng paumanhin sa kanyang mga nasabi sa UKG:
“Kailanman po ay hindi ko kakampihan ang mga demonyong ito. Subalit alam ko rin na merong mga hindi nagustuhan ang aking komento at ang aking paalaala, ipinalagay na paninisi sa biktima. Hiindi po yun ang aking intensiyon. Nais ko rin pong sabihin na hindi ko sinisisi ang biktima sa nangyari. Dapat pong panagutin sa batas ang mga kriminal,” paliwanag ni Anthony.
“Humihingi po ako ng paumanhin sa mga nasaktan sa aking komento at mas magiging maingat po ako sa susunod na pagkakataon,” dagdag pa ni Anthony.
(Photo source: Instagram – @ukgdos)
You must be logged in to post a comment Login