Connect
To Top

Lolit Solis to Jomari Yllana’s issue with his ex-partner: “Hindi puwede lagi lang ang babae ang tama”

Entertainment columnist and talent manager Lolit Solis expressed her thoughts and opinions over the electricity bill issue of actor turned politician Jomari Yllana and his ex-partner, Joy Reyes. It was recalled that Joy recently claimed that Jomari is not helping her to pay their electric bills to which resulted to the total amount of PhP 100,238.38 in almost a year.

In her Instagram account, Lolit posted a photo of Jomari as she expressed her thoughts and opinions over the issue. Lolit also expressed her opinion on how Joy appeared to be dependent to Jomari. According to Lolit, if she was in Joy’s position, she will not degrade herself and she will make a way to fix her finances.

==========

Related Stories:

==========

Lolit wrote:
“May nabasa ako comment sa issue ngayon kay Jomari Yllana , Salve. Tutoo iyon comment ng nagsabi na dapat ang isang babae na nahiwalay sa tatay ng mga anak niya hindi dependent financially duon sa lalaki. Kung lahat iaasa mo, para din unfair na ginagamit mo ang mga anak nyo para makahingi ng sustento. Dapat malakas ang loob mo akuin ang pag aalaga, malakas din loob mo na kaya mo.

May responsibilidad si Jomari, anak niya iyon 2, pero ikaw mismo na ina, why will you allow your electric bill umabot ng 100K ? Alam mo pala na baka mahirapan ka humingi o bigyan, bakit kailangan maging ganuon kalaki ang babayaran mo ?

Babae ako, my heart bleeds for Joy, pero hindi ko papayagan ma degrade ako na tinatanggihan bigyan sa hinihingi ko. Gagawa ako ng paraan para maayos ang finances ko, mabubuhay ako sa kaya ko lang. Hindi lahat naka aircon, puwede electric fan lang, kung hindi ko kaya ang bayad sa kuryente, iyon mas mababa ang gastos ang gagawin at gagamitin ko.

Sobra ng emotional blackmail ang ginagawa ng mga bintang kay Jomari. Dahil sa celebrity siya at isang pulitiko, dapat lagi na lang ingatan ang kilos niya. Kaya dapat din nakikita natin iyon tama at iyon OA na istorya.

Hindi puwede lagi lang ang babae ang tama, ang inapi, ang kailangan kampihan. Dapat din natin isipin na kung minsan iyon lalaki ang hindi binigyan ng chance na maipakita kung ano ang tamang sitwasyon. Pareho nila ginusto magkaruon ng relasyon, hindi nagkasundo, bakit ngayon dapat magsiraan.

Hindi ba puwede they talk like adults, na ilatag lahat sa tables at ayusin, at huwag muna mag emotional blackmail ? Sa dalawa ang talo si Jomari Yllana, pag nasira siya, sira na ang career niya, gusto ba ni Joy na lumaki mga anak nila na sira ang pangalan ng kanilang ama ? Dapat maging fair, dapat magkaruon ng justice. Pakinggan natin at tignan kung ano ang tunay na pangyayari.Kahit para lang sa 2 bata na anak nila. #classiclolita#takeitperminutemeganun #73naako”

(Photo source: Instagram – @joyfullyenjoyingjoy)

FEATURED VIDEO:

You must be logged in to post a comment Login

More in News