Vice President Leni Roberdo issued her statement over the decision of President Rodrigo Duterte to remove her as Inter-agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) co-chair. On her Facebook account, the Vice-President posted the following:
“Pahayag ng Pangalawang Pangulo, Leni Gerona Robredo, Tungkol sa Pagtanggal sa Kaniya ng Pangulo bilang Co-chair ng ICAD
==========
RELATED STORIES:
Duterte fires Robredo as co-chair of ICAD
==========
Mahigit dalawang linggo pa lang mula nang tinanggap ko ang hamon na pamunuan ang kampanya laban sa iligal na droga. Mahigit dalawang linggo pa lang mula nang aking isinantabi ang napakaraming babala para pasanin ko ang trabahong kahit halos imposible ay kailangan kong subukan para sa ating mga kababayan.
Hindi ako nagsayang ng oras: Nakipagpulong agad ako sa ICAD at iba’t ibang mga ahensiya. Kinonsulta natin ang iba’t ibang mga sektor. Pumunta tayo sa mga komunidad. Nakipagpulong tayo sa mga LGU. Binisita natin ang mga Rehab Centers.
Pero nagsimula agad ang mga atake. Walang tigil ang pagbabatikos. Mahina raw ako sa krimen. Huwag daw akong makialam sa pulis. Hindi raw ako mapagkakatiwalaan. Pinagtulung-tulungan at pinagkaisahan ako para hindi magtagumpay.
Kung pareho naman ang ating layunin, bakit hindi na lang tayo magtulungan?
Hindi ba talaga sila seryoso sa laban?
O may interes ba tayong nabangga?”
CONTNUE READING…
You must be logged in to post a comment Login