Connect
To Top

Angel Locsin responds to basher: “ay sus. Wag ako girl”

Sa gitna ng mainit na issue nina Bea Alonzo, Gerald Anderson at Julia Barretto ay napaguusapan din ang mga suportang nakukuha ni Bea sa kanyang mga malalapit na kaibigan tulad nina Angelica Panganiban, Bela Padilla at Angel Locsin.

Inaakusahan si Gerald na nakikipag-relasyon kay Julia at ito daw ang naging dahilan ng hiwalayang Bea – Gerald at Julia – Joshua Garcia. Tahimik ang lahat ng kampo maliban kay Bea na nagpost ng ‘Enough’ sa kanyang Instagram account at sa pagsabing “I am moving forward” sa isang interview.

==========

RELATED STORIES:

Bea Alonzo finally breaks silence amid controversy: “I’m moving forward”

Bea Alonzo’s cousin and best friend slam Gerald Anderson: “Naulit na naman!”

LOOK: Gretchen Barretto sends flowers to Bea Alonzo

==========

Isang netizen naman ang bumatikos kay Angel Locsin at inakusahan ang magandang actress na nakikisawsaw daw ito sa issue:

“Ano ang ginawa sa yo ni Julia sa iyo para makisawsaw ka sa issue? Dissappointing!!!” post ng netizen.

Sinagot ito ni Angel at sinabing: “Hindi sa nagmamayabang, pero lampas na kasi ako sa stage ng career ko para sumawsaw. Ikaw ang disappointing.”

At may isang post si Angel na “Ay sus. Wag ako girl.”

(Photo source: Instagram – @janusdelprado)

You must be logged in to post a comment Login

More in News