PBB: Kiara sings “Akin Ka Na Lang” inside the PBB house

PBB:  Kiara sings “Akin Ka Na Lang” inside the PBB house

Maraming netizens ang natuwa nang marinig nila ang magandang tinig ni Kiara Takahashi sa loob ng Pinoy Big Brother house. Karamihan sa mga fans ni Kiara ay inaabangan na ang kanyang pag-awit sa loob ng bahay ni Kuya.

Sa isang online exclusive ay pinayagan ni Big Brother na kumanta ang mga housemates sa activity center at inawit ni Kiara ang “Akin Ka Na Lang.”

==========

Related Stories:

Gino Roque to Kiara Takahashi’s ‘special someone’: “I don’t blame him for liking a girl like that”

Kiara at Argel pasok na sa PBB Big Four

WATCH: ‘Kilig’ moments nina Gino Roque at Kiara Takahashi

==========

Maging ang kanyang mga kapwa housemate ay bumilib sa kanyang boses. At sympre, ang mga suporta nina Argel Saycon at Akie Poblete ay hindi nawala bilang kanyang mga backup dancers.

Maiksi lamang ang awit ni Kiara nguni’t sapat na ito upang mabigay ngiti sa mga ‘KiaNo’ fans.

Narito ang video:

(Photo source: Facebook – @PBBabscbntv)


Share This Post