Connect
To Top

Kris Aquino in Los Angeles to continue medication

Actress and TV host Kris Aquino transferred from Texas to Los Angeles to continue her medical treatments.

Kris has been diagnosed with four autoimmune diseases

Writer-editor Dindo Balares confirmed the said transfer of Kris in a Facebook page. Dindo described Kris as sharp, concern, and loving as ever.”

Here is his complete post:

“Kumusta na si Kris?

As sharp as ever at makulit pa rin.

Kumpirmado ang inilabas ni Ogie Diaz sa YouTube na umalis na sa Texas at lumipat sa Los Angeles si Krisy.

May ipinadala siyang video with Kuya Josh at Bimb, puwede sanang i-screen grab para pang-update sa kanilang followers, pero ‘di ko naipagpaalam kaya itong isa sa mga dating photo namin muna ang ipo-post ko.

Bakit may kasamang tree-planting activity ko sa bundok?

Dahil simulang mag-retire ako sa diyaryo, nakasubaybay si Kris sa pagbabalik ko sa pagtatanim. Bonding at pang-goodtime ko sa kanila ni Bimb ang pagpapadala ng photos tuwing nasa bundok ako. ‘Di kasi nila gets noong una kung bakit ko ipinagpalit sa lupa, mga halaman, at manok ang trabaho sa city.

Pero agad din namang naintindihan. Kailangang gamutin ang lupa upang maibalik ang nutrient density ng mga pagkain. Healthy soil, healthy plants, healthy people.

Mula sa pag-uumpisa, laging updated si Kris sa experiments ko sa natural fertilizers. Aliw na aliw at napakalutong ng tawa niya nang malamang uminom ako ng ginawa kong lactic acid bacteria serum (isa sa fermented biofertilizers na ginagamit sa Korean Natural Farming).

Natutuwa rin siya sa propagation ko sa Japanese sweetpotato at iba pang superfoods.

“Please tell me if there’s anything Kuya Dindo The Farmer needs,” sabi niya sa akin paglipat niya sa LA.

“O, hayan ka na naman,” sagot ko. “Nagpapagamot, e. Ikaw na muna. Ikaw naman na muna. ‘Wag na muna ang ibang tao.”

“Hindi ka ibang tao, Kuya Dindo, you are FAMILY. Please, it’s the least I can do.” Bigtime kulitan, ganyan kami.

Gusto niyang suportahan ang ginagawa kong soil regeneration. For the first time, may tumawag sa akin ng environmentalist. Si Krisy.

Inakala kong passive listener lang siya sa mga kuwento ko tungkol sa mycorrhizal fungi na kinu-culture ko at ginagamit namin sa pagtatanim sa bundok. Inalam niya, na ito o living soil ang solusyon sa napakaraming problema ngayon sa mundo at sa kalusugan ng mga tao, at higit sa lahat — sa climate change.

She’s as sharp, concern, and loving as ever.”

(Photo source: Instagram – @krisaquino)

You must be logged in to post a comment Login

More in News