Connect
To Top

Lolit Solis asks: “parang halos araw-araw pinipitik ni Cristy si Paolo”

Entertainment columnist Lolit Solis defended actor Paolo Contis from the alleged tirades of fellow entertainment columnist Cristy Fermin.

Nanay Lolit is asking why it seems Nanay Cristy is targeting Paolo with negative publicities? Here is the post of Nanay Lolit:

“Ako ang klase ng manager na hindi nagagalit pag pinipitik ng mga writers ang mga alaga ko, Salve. Actually nga natutuwa ako dahil kung minsan nagiging constructive pa ito para sa mga alaga ko.

Si Paolo Contis ipinagmamalaki ko na magalang at mabait na tao. At isa sa iginagalang at mahal niya si Cristy Fermin. Nagtataka ako bakit lately parang halos araw-araw pinipitik ni Cristy si Paolo ? May nagawa kayang mali si Paolo ? Nasaktan ba niya si Cristy ? O baka naging punching bag lang siya dahil may ibang gustong patamaan si Cristy, o baka naman may naninira kay Paolo kaya naging ganuon ang image nito kay Cristy.

Sana naman nga constructive lang ang pitik ni Cristy kay Paolo. Sayang naman iyon paggalang at pagmamahal kung mawawala di ba dahil lang sa isang bagay na hindi importante. Sad ako dahil feeling ko baka sa akin galit si Cristy at nadamay lang si Paolo. Sana hindi, dahil alam ko na kung may galit si Cristy sa akin sasabihin niya at hindi niya itatago iyon.

Isang fair at marespetong tao si Cristy, at bilang writer ay very fair at factual. Hindi sisirain ni Cristy ang pagkatao niya dahil lang sa personal na galit. At hindi si Cristy ang klase ng tao na magsasalita ng maaring ikasira ng isang artista na tulad ni Paolo Contis.

Sad lang ako na dahil lang dito maapektuhan ang trabaho ni Paolo na isa pa naman mahusay at professional na artista. Dahil nga sa paggalang ni Paolo kay Cristy kaya tiyak ko affected ito kung naririnig niya ang mga pitik ni Cristy. At sa panahon ito na kadalasan pinaniniwalaan mo ang anuman marinig at mabasa mo nakakatakot na baka maniwala nga na baka tutoo ang galit/ pitik ni Cristy kay Paolo.

Ngayon lang bumabawi ang career ni Paolo ng masasabi natin talagang makikita mo na ng buo ang lahat ng pinaghirapan niya. Siguro nga oras na para maayos lahat pati private life niya. Kung anuman naging pagkakamali niya sana naman mabigyan kapatawaran para maging patag na ang journey niya sa buhay.”

CONTINUE READING…

Pages: 1 2

You must be logged in to post a comment Login

More in News