Connect
To Top

Netizens napansin ang pagka-humble ni Maine Mendoza sa media day ng TVJ at TV5

Marami sa mga netizens at taga-hanga ni Maine Mendoza ang pagka-low profile nya habang isinasagawa ang grand media con ng TVJ Productions, Inc, TV5 at ng MediaQuest.

Kasama ni Maine ang mga DARBARKADS na sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey De Leon, Allan K, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Ryzza Mae Dizon at Ryan Agoncillo.

Nakaupo lamang si Maine kasama ang legit DABARKADS at ngumingiti lamang sa mga press members. SA mga photos na nakapost online ay mapapansin mong nasa gilid lamang si Maine.

Kahit sa vlog na pinost ni Julius Babao ay makikitang nakaupo lamang si Maine sa isang sulok at tahimik lamang. Nang sya ay tanungin kung ano ang nararamdaman nya sa paglipat ng TVJ sa TV5 ay sinabi nyang masaya at nagagalak sya at nagpasalamat sa TV5 sa pagbigay sa kanila ng bagong tahanan.

Ayon sa mga netizens, isa ito sa mga nagustuhan nilang pag-uugali ni Maine kaya napamahal ito sa kanila – ang kanyang kababaan ng loob. Isa na syang sikat na artista nguni’t aakalain mong ordinaryong tao lamang sya.

(Photo source: Instagram – @mainedcm)

You must be logged in to post a comment Login

More in News