Connect
To Top

Lolit Solis advices Kris Aquino: “out muna ang anything about lovelife”

Entertainment columnist Lolit Solis gave an unsolicited advice to TV host and actress Kris Aquino amidst rumors that Kris and Vice Governor Mark Leviste have decided to be together again.

It can be recalled that Kris herself said she already ended her relationship with Mark.

But just recently, Mark posted some photos showing him with actors Kim Chiu and Bela Padilla who visited Kris when they attended the wedding of fellow actor Angelica Panganiban.

On Instagram, Nanay Lolit commented on the said issue by posting the following:

“Headline na naman Salve na nagkabalikan sila Kris Aquino at Mark Leviste. Maganda naman balita. Pero at this point siguro parang mas maganda na ang nasa isip ni Kris ay gumaling sa sakit. At iyon thoughts and plans for her kids kung sakali.

Inaasahan ng mas marami na ang mga nasa utak ngayon ni Kris ay kung ano ang dapat gawin para sa mga anak niya lalo pa nga at lagi siyang nasa hospital. Hindi iyon nag break o nakipag balikan. Mas gugustuhin mo na mabasa iyon mas matimbang ang concern niya para sa kanyang mga anak, hindi iyon sa magiging future boyfriend. Iba na ang katayuan ngayon ni Kris Aquino.

Hindi na siya iyon tao na bata pa at lovelife ang nasa isip. Dalawa ang anak niya na maapektuhan kung anuman ang mangyayari sa kanya. Mas maganda na iyon ang center ng attention niya at hindi iyon lovelife. Kris Aquino is a very kind and sweet lady. Intelligent to the point na alam niya ang mga dapat gawin.

At this point, out muna ang anything about lovelife. Iyon muna mas importante, sila Josh at Bimby. Mas gugustuhin mo na mabasa na kinatatakutan niya may mangyari sa kanya dahil sa dalawang anak niya. Hindi na kilig iyon tungkol sa love niya. Parang lagpas na ang ganitong issue sa kalagayan niya.

We will always pray for Kris dahil napakabait niyang tao. At alam namin mas magiging matimbang sa kanya ang mga anak niya. Tigilan na muna iyan issue ng lovelife at para pa ngang kacheapan at this point. Happy 2024 Kris, a better and healthier year for you. Bongga”

(Photo source: Instagram – @markleviste)

You must be logged in to post a comment Login

More in News