Netizens were a bit surprised that Bimby and Joshua had to fly back to the US to be with their mom actress and TV host Kris Aquino.
Bimby just arrived from the US for a brief period of time.
In his Facebook post, former entertainment editor Dindo Balares said Bimby and Joshua had to return to the US after Kris sent a message that reads: “I have sad blood results.”
“Marami ang nag-expect na magtatagal sa Pilipinas si Bimby, dahil nai-announce ito ng kanyang Mama Kris sa interview sa kanila ni Ogie Diaz sa kanilang bahay sa Orange County, California.
Bukod sa paghahanda para sa papasukang school, may mga sinisimulan na rin kasing negotiations para sa career ni Bimb sa entertainment industry.
Kaya maraming followers nila ang curious at nagtatanong kung bakit mabilisan lang ang pagdating at pananatili sa bansa at pagbabalik sa US ni Bimb with Kuya Josh.
Masaya si Bimb sa Pilipinas, kitang-kita ito sa posts ng iba’t ibang relatives and friends na personal niyang dinalaw para kumustahin.
Katunayan, nang magkita kami, excited siyang nagtanong kung sino ang mga kaedad na posible niyang makasama o makatrabaho sa show business.
Noon niya naitanong ang isang young actress, na masyadong delayed ang reaction ko! After two days! Hahahaha! ‘Di ko man lang tuloy nabiro kung type, bet o crush ba niya. Super pretty naman kasi!
Tama ang iniisip ni Kris para kay Bimb, na maranasan din ang regular school at ang mas malawak pang mundo.
Pero may message sa akin si Kris na sure akong naging cue ng mabilisang pagbabalik sa US ni Bimb.
“I have sad blood results. 😔,” sabi niya.
Masaya si Bimb sa Pilipinas. Nakakasama niya ang relatives and friends. Puwede nang umpisahan ang kanyang showbiz career.
Pero inaalagaan at pinalalaki ni Krisy si Bimb first, upang maging guardian ni Kuya Josh; at pangalawa, upang maging maalaga, maalalahanin, at loving sa lahat.
Pero, makakapaghintay ang anumang plano. Dahil, siyempre, si Mama Kris ang kanyang laging priority.
Kaya niyaya si Kuya Josh, at agaran na silang lumipad.”
(Photo source: Facebook – @Dindo Balares)
You must be logged in to post a comment Login