Connect
To Top

Angelica Yulo apologizes to son Carlos: “Hindi ako perpektong ina… Patawad anak”

Angelica Yulo, mother of two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo apologized to her son for the things she said about his and her girlfriend.

In a press conference, Angelica asked for an apology and said that she is only a mother who is concerned for her son.

“Hindi ako perpektong ina at alam ng Diyos na hindi ka din perpektong anak at walang perpektong pamilya. Walang ibang hangad ang isang ina kundi ang ikabubuti ng kanyang anak at sa bawat miyembro ng pamilya. Sa paraan mang marahas, maingay, sanay maunawaan mo na ang intensiyon ko ay malinis. Ako ay isang ina na nasaktan dahil ang mabait na anak na pinalaki ko ng maayos at mabuting tao ay hindi na nakikinig sa mga paggabay ng magulang. Kung mali na naging mapagpuna ako sa nobya mo, humihingi ako ng patawad, dahil nanay lang ako na nag-aalala.

=====

RELATED STORIES

Carlos Yulo breaks silence on feud with mother

=====

Matanda ka na, kaya mo nang magdesisyon para sa sarili mo. Bukas ang aming pintuan sa tahanan, may pera o wala, kung nanaisin mong bumalik sa amin.

Hindi na pwedeng bawiin ang nasabi na. Ang amin lang, handa ako at ang papa mo mag-usap tayo ng bukas ang loob, na may pag-unawa anumang oras na handa ka, pag uwi mo upang maayos ito. Hindi kailangan ng ibang tao na malaman ang mga alitan dahil hindi nila alam ang buong kwento at hindi nila ito lubos na nauunawaan. Gayunpamamn, humihingi ako ng patawad sa iyo at sa sambayanan sa mga nasabi ko sa interbyu. Pagod at puyat ako sa kapapanood sa iyo nung mga panahon na yon, di makatulog sa tuwa kahit tpaos na ang iyong laban. Hindi ako makapag-isip ng mabuti nung nirapido ako ng mga tanong ng mga reporter tungkol sa mga bagay na tayo na lamang ang nag-ayos.

Patawad, anak.

At sa sambayanan, sana ay ipagdiwang na lang natin ang tagumpay ng anak ko. Gumagawa ang anak ko ng kasaysayan para sa ating bansa. Lahat tayo ay magpapasalamat kay Caloy para sa karangalan, iuuwi para sa bayan.

Caloy, congratulations sa iyong tagumpay. Mahal kita, mahal ka naming lahat.”

@cheffychris3

Mrs. Angelica Yulo, mother of Carlos “Caloy” Yulo, apologizes to her son regarding family issues. Sana wala ng makisawsaw (especially yung mga vloggers) kasi sila lang naman talaga yung nakakaalam ng buong kuwento. Sana maayos na nila yung gusot para makapag on na ang lahat including the fans. 🙏😔 #carlosyulo #angelicayulo #viral #trending #trendingtiktok This video is for information purposes use only. COPYRIGHT DISCLAIMER: I do NOT own this video nor the image featured in the video. All rights belong to its rightful owner/ owner’s. No copyright infringement intended. For entertainment purposes only.

♬ original sound – CheffyChris – CheffyChris

(Photo source: CTTO / Instagram – @Carlos Yulo)

You must be logged in to post a comment Login

More in News